dzme1530.ph

Iba’t ibang kontrabando mula sa mga pasaherong uuwi sa mga probinsiya, kinumpiska ng PITX .

Loading

Dahil sa mahigpit na seguridad na ipinatutupag ng Parañaque integrated terminal exchange umabot sa 409 na illegal na kontrabando ang kinumpiska mula sa mga pasaherong uuwi sa kanilang mga lalawigan.

Kabilang na dito ang
Butane- 30
Knife- 125
Cutter -31
Scissors -45
Lighter – 93
Matches – 10
Cutter blade – 63

Ayon sa PITX ang pagkumpuska sa mga naturang items ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero ngayong holiday season.

Samantala as of 10am umabot na sa 61,289 ang bilang ng mga pasahero gumamit ng terminal ngayong umaga.

Inaasahang mas tataas pa ang naturang bilang hanggang mamayang gabi para sa mga humahabol na mga bakasyonista para umuwi sa kanilang mga probinsiya.

Tiniyak naman ng PITX ang siguridad at kaligtasan ng mga manlalakbay katuwang ang PNP at iba pang mga personnel mula sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan.

About The Author