![]()
Bumagsak sa negative 3% ang Net Trust Rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Habang tumaas sa 31% si Vice President Sara Duterte.
Batay ito sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) Survey, na isinagawa sa gitna ng mga imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Sa November 24 to 30 survey na nilahukan ng 1,200 adult respondents, nakakuha si Pangulong Marcos Jr., ng 38% much trust rating na ibinangga sa 41% na maliit ang tiwala sa kanya.
Ayon sa SWS, ang negative 3% Net Trust Rating ni Marcos Jr., noong November 2025 ay mas mababa kumpara sa nakuha niyang net trust rating na 7% noong Oktubre.
Samantala, nakapagtala naman si Duterte ng 56% much trust rating kontra sa 26% na maliit ang tiwala sa Bise Presidente.
Mas mataas ito sa nakuha niyang net trust rating na 25% noong Oktubre.
