dzme1530.ph

Malakanyang, hinimok na magsiyasat muna sa halip na balewalain ang alegasyon ng pagkakasangkot ng Ilang cabinet members sa Isyu ng Budget Insertions!

Loading

Tinawag na “Hearsay” ng Malacañang ang pagsa-sangkot sa ilang Cabinet Secretaries bilang proponents ng multi-billion peso budget insertions sa DPWH.

Pahayag ito ni Palace Press Officer Claire Castro, matapos ilabas sa publiko ni Batangas 1st Dist. Rep. Leandro Leviste ang umano’y dokumento ni dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral o “Cabral lists”.

Kabilang rito ang mga pangalan ng ilang high-ranking officials mula sa gabinete na sangkot umano sa budget insertions para sa DPWH Infrastructure Projects. 

Saad ni Castro, anumang dokumento na hindi inisyu o Authenticated ng DPWH ay maituturing na ‘Hearsay’ o tsismis, kaya naman, wala umano itong probative value.

Matatandaang sa Facebook post ng kongresista nito lamang linggo, ibinunyag nitong naipakita na niya sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang files noong November 18 at 19, habang November 26 naman sa Office of the Ombudsman.