dzme1530.ph

Pagdiriwang ng pasko, mapayapa sa pangkalahatan, ayon sa PNP

Loading

Mapayapa sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng pasko sa buong bansa.

Ayon sa (Philippine National Police) PNP, peaceful and orderly ang pagdiriwang ng Christmas Eve Mass noong December 24.

Kasunod ito ng matagumpay na security coverage sa 9 na madaling araw na misa o simbang gabi simula December 16, hanggang bisperas ng pasko.

Sinabi ni PNP acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na dineploy ang mga pulis sa mga simbahan, terminal at iba pang matataong lugar, upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa buong panahon ng kapaskuhan.

Tiniyak ng PNP na paiigtingin nila ang police visibility at magpapatuloy ang public safety operations sa mga natitirang araw ng holiday season, kabilang na ang New Year celebrations.

About The Author