![]()
Inilabas ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang umano’y summary o buod ng Budget Distribution per District ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Saklaw nito ang mga taong 2023 hanggang 2026 na nagkakahalaga ng ₱3.5-trillion at katumbas aniya ng 130,000 pesos kada pamilyang pilipino.
Ayon kay Leviste, ang datos ay mula sa DPWH at may basbas ni Public Works Secretary Vince Dizon.
Kasunod ito ng pagbabahagi ng kongresista ng mga dokumento na umano’y ibinigay sa kanya ni yumaong DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral, na nag- detalye sa per district allocation para sa 2025 infrastructure projects.
Nilinaw naman ng mambabatas na ang mga numero sa ilalim ng 2026 general appropriations bill ng kamara na nasa kanyang shared documents, ay hindi pa pinal.
