![]()
Pansamantalang isasara ngayong araw, December 19, ang ilang pangunahing kalsada sa Makati dahil sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Magsisimula ang parada bandang ala-1 ng hapon at tatakbo sa layong 8.4 kilometro, mula sa Macapagal Boulevard patungo sa Circuit Makati. Dadaan ito sa mga pangunahing kalsada tulad ng Senator Gil Puyat Avenue, Ayala Avenue, Makati Avenue, J.P. Rizal Street, at A.P. Reyes Avenue.
Binigyang-diin ng MMDA na mainam na gumamit ng ibang alternatibong ruta upang maiwasan ang mabagal na daloy ng trapiko. Magpapatupad din ang ahensya ng temporary lane closures at stop-and-go scheme para sa maayos na daloy ng sasakyan at kaligtasan ng mga pedestrian.
