dzme1530.ph

Inaprubahang budget ng bicam panel, transparent at accountable

Loading

Kuntento si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa naaprubahang pinal na bersyon ng 2026 budget sa bicameral conference committee.

Ayon kay Sotto, ang naaprubahang budget ng bicam panel ay pamantayan ng kung ano ang dapat naipapasa nilang pambansang budget taun-taon.

Tiniyak niyang ito ay isang budget na transparent at accountable.

Ipinaliwanag ng senate leader na marami na silang ipinatupad na reporma sa proseso ng pag-apruba ng 2026 budget, kabilang na rito ang pagla-livestream ng deliberasyon ng bicam panel.

Samantala, sinabi ni Sotto na kokonsultahin muna niya kung magkakaroon pa sila ng sesyon sa Disyembre 22 o sa Disyembre 29, kung kailan itinakda ang ratipikasyon ng bicam report o ng enrolled bill ng 2026 budget.

Ayon kay Sotto, aalamin muna niya ang eksaktong bagong iskedyul ng ratipikasyon ng budget bago magpasya.

 

About The Author