![]()
Itinanggi ni Lanao del Sur na may banta na naman sa liderato ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Sagot ito ni Adiong, chairman ng House Committee on Electoral Reforms, sa naging pahayag ni Senator Ping Lacson na under threat na naman si Dy dahil sa budget dispute.
Pagdidiin ng Mindanaoan solon, solid ang super majority sa likod ni Dy at maayos nitong napapatakbo ang Kamara.
Nilinaw din ni Adiong na walang insertion sa ipinasang budget ng Kamara.
Katunayan, lahat ng amendments at realignment na ginawa ng Budget Amendments Review Sub-committee (BARS-C) ay isinakatuparan sa pamamagitan ng livestream.
Ang ilang pagbabago sa orihinal na isinumiteng NEP ng DBM ay nanggaling sa inalis na P255 billion flood control budget mula sa DPWH.
Kabilang sa dinagdag na ahensya ay ang DepEd, DoH, DA, PCG, at DICT.
