dzme1530.ph

Pinalobong budget para sa AICS, pinangangambahang magamit sa pamumulitika

Loading

Nangangamba si Sen. Imee Marcos na magamit sa pulitika ang pinalobong budget para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na iniakyat sa P63.98 billion.

Sa deliberasyon ng bicameral conference committee kaugnay sa panukalang 2026 national budget, sinabi ni Marcos na kailangang tiyakin ng Kongreso na mapupunta ang pondo sa mga tunay na nangangailangan at hindi dapat mapasukan ng pamumulitika.

Ipinaalala pa ni Marcos na may eleksyon sa susunod na taon na kinabibilangan ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections at halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa depensa ni Sen. Erwin Tulfo, iginiit niyang mahalaga ang malaking budget sa AICS para matulungan ang 17 milyong Pilipinong mahihirap o nasa below poverty line.

Binigyang-diin pa ni Tulfo na mayroon nang probisyon sa panukalang budget na magbabawal sa mga pulitiko na dumalo o umepal sa pamamahagi ng ayuda.

About The Author