![]()
Sa gitna ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na maresolba ang isyu ng katiwalian, nagmungkahi si Senador Panfilo Lacson ng ibang paraan upang maaresto si dating Cong. Zaldy Co na nananatili sa ibang bansa.
Sinabi ni Lacson na maaaring gamitin ng pamahalaan ang United Nations Convention Against Corruption (UNCAC) na pinagtibay noong 2003 at sinang-ayunan ng Senado ng Pilipinas noong 2006. Nakasaad sa Article 38 ng kasunduan na inaatasan ang mga state parties na magtulungan sa pag-iimbestiga at pag-usig sa mga kasong kriminal.
Dahil dito, maaaring hilingin ng Pilipinas ang tulong ng mga miyembrong bansa ng United Nations sa pagtugis at pag-aresto kay Co.
Iginiit din ni Lacson na maaaring ipa-subpoena ang mga dokumentong nakalap ng National Bureau of Investigation sa mga condominium units ni dating Cong. Zaldy Co. Ito ay upang makumpleto ang records kaugnay sa katiwalian sa flood control projects at makatulong sa posibleng paggawa ng bagong batas para maiwasan ang ganitong iregularidad sa hinaharap.
