![]()
Hindi bababa sa isang milyong Pilipinong may sakit ang maaaring mapagkaitan ng “life-saving emergency care” sakaling hindi maayos sa bicameral conference ang budget para sa Medical Assistance for Indigents and Financially Incapacitated Patients o MAIFIP program.
Ayon kay House Appropriations Chairperson Mikaela Suansing, sa 2025 GAA, P41.2-B ang budget para sa MAIFIP, kaya 3.3 milyong Pilipino ang naging benepisyaryo nito.
Sa 2026, itinaas ng Kamara ang budget sa P49.2-B, subalit sa bersyon ng Senado, P28-B lamang ang inilaan.
Iginiit naman ni House Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan na ang MAIFIP ang nagsisilbing pampuno sa gap o pagkukulang ng PhilHealth.
Giit pa ng mga kongresista, dahil sa MAIFIP, maging ang mga pribadong ospital ay tumatanggap ng mga pasyente dahil nakatitiyak silang babayaran ito ng gobyerno.
