dzme1530.ph

PBBM, pinasalamatan ang mga empleyado ng Malacañang, pinaalalahanang tumutok sa trabaho

Loading

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga empleyado ng Malacañang sa kanilang walang humpay na pagtatrabaho.

Sa flag-raising ceremony ng Office of the President, pinaalalahanan nito ang mga empleyado na manatiling naka-pokus sa trabaho sa kabila ng ingay sa politika.

Sinabi ng Pangulo na mahalaga ang ginagawa ng administrasyon upang ituwid ang mga mali ng nakaraan at mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino.