dzme1530.ph

Vico Sotto, nagbabala laban sa AI deepfakes at scam

Loading

Nagbabala si Pasig City Mayor Vico Sotto sa publiko laban sa mga scam na gumagamit ng kanyang mukha at boses sa pamamagitan ng artificial intelligence (AI).

Sa isang Facebook post, sinabi ni Sotto na may kumakalat na AI-generated videos na nagpapakitang siya umano ay nagpo-promote ng online gambling, pati na rin ang mga scam text at pekeng website na nagmumukhang lehitimo.

Ayon sa alkalde, maging ang tunog at galaw sa mga naturang deepfake ay halos kapani-paniwala na, kaya’t hinikayat nito ang publiko na maging mas mapagmatyag.

Pinayuhan din ni Sotto ang publiko na mag-ingat sa mga text message na may kahina-hinalang link, kabilang ang mga nagpapanggap na mula sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Land Transportation Office.

About The Author