dzme1530.ph

Bicam meeting sa panukalang 2026 national budget, target tapusin sa loob ng 3 araw

Loading

Target ng Senado na matapos sa loob ng tatlong araw ang bicameral conference committee meeting kaugnay ng 2026 proposed national budget.

Ayon kay Senate Finance Committee chair Sherwin Gatchalian, sisimulan ang bicam meeting sa Biyernes, December 12, at target nilang tapusin ito sa December 14.

Sinabi naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na sa kanilang target na schedule ay maaari nilang abutin hanggang December 15 ang pagtatapos ng bicam meeting.

Kasunod nito ang pag-iimprenta ng enrolled copy ng panukala o ang kopyang ipadadala sa Malacañang at isasalang sa ratipikasyon.

Kadalasan aniya ay natatapos ang pag-iimprenta sa loob ng pitong araw, kaya posibleng matapos ito sa December 22, at December 23 naman ang inaasahang ratipikasyon bago ipadala sa Malacañang.

Sa ganitong schedule, sinabi ni Sotto na pasok pa rin sila sa target na bago ang December 30 ay malagdaan na ng Pangulo ang budget.

About The Author