dzme1530.ph

House Committee on Appropriations, dumepensa sa livestream ng BiCam deliberations ng 2026 budget

Loading

Dumepensa ang House Committee on Appropriations sa balitang tutol ang ilang kongresista sa pag-livestream ng BiCam deliberations ng 2026 national budget.

Sa video release ni Congw. Mikaela “Mika” Suansing ng Nueva Ecija, buwan pa lamang ng Agosto, malinaw na ang posisyon ng Kamara de Representantes na i-livestream ang budget hearings hanggang sa BiCam.

Nakatakdang magsimula ang bakbakan sa BiCam sa pagitan ng mga senador at kongresista para ayusin ang mga disagreeing provisions ng Senate at House version.

Bago pa man ang takdang BiCam, inamin ni Suansing na nag-uusap na sila ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Finance panel, kung paano i-operationalize ang livestreaming.

Una nito, isiniwalat ni Sen. Erwin Tulfo na may ilang kongresista ang tutol sa livestream ng BiCam sa proposed P6.793-T 2026 national budget.

About The Author