![]()
Humihingi ng “travel clearance” si Davao City 1st District Rep. Paolo “Polong” Duterte kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Sa sulat ni Duterte kay Speaker Dy, labing-pitong (17) bansa ang tinukoy nitong tutunguhin mula December 15 hanggang February 20, 2026.
Kabilang sa mga bansa na pupuntahan nito ay Hong Kong, China, Malaysia, Indonesia, South Korea, Japan, Vietnam, Cambodia, United States, Australia, United Kingdom, the Netherlands, Germany, France, Belgium, Italy, at Singapore.
Sinabi sa sulat na walang government funds ang gagamitin sa mga byahe nito sa abroad dahil gagastos ito ng personal nitong pera.
Hiniling din ni Duterte kay Dy na payagan siyang makibahagi sa mga sesyon habang nasa labas ng bansa sa pamamagitan ng virtual o Zoom.
Kinumpirma naman ni House Secretary General Atty. Cheloy Garafil ang travel request ni Duterte.
