![]()
Pinalawig ng Senado ang kanilang sesyon hanggang Disyembre 23 sa gitna ng layuning ipatupad ang transparency sa pagtalakay ng panukalang 2026 national budget.
Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na napagkasunduan nila sa LEDAC meeting kahapon na amyendahan ang kanilang legislative calendar at iextend ang kanilang sesyon.
Ipinaliwanag ni Sotto na ang plano nilang isalang sa ratification ng bicameral conference committee report ay ang enrolled copy ng panukalang budget at hindi lamang summary.
Inihayag ni Sotto na ito ang unang pagkakataon na enrolled bill ang isasalang nila sa ratipikasyon upang matiyak na wala nang masisingit na hindi kaaya-ayang probisyon sa panukalang budget.
Dahil sa extended session, iniurong ang pagbabalik ng sesyon sa January 26, 2026 sa halip na January 19, 2026.
