dzme1530.ph

Sen. dela Rosa, hindi dapat sumuko sa foreign power —Sen. Padilla

Loading

Huwag sumuko sa kapangyarihan ng dayuhan.

Ito ang ipapayo ni Senador Robin Padilla kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung makausap niya ito.

Ang reaksyon ni Padilla ay kasunod ng naging pahayag ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na may inilabas nang warrant of arrest ang International Criminal Court laban kay dela Rosa.

Kasabay nito, kinumpirma ng senador na wala silang komunikasyon ng kasamahan sa minority bloc simula nang hindi na pumasok si dela Rosa sa Senado.

Binigyang-diin pa ni Padilla na bilang dating pulis at sundalo, tiyak na nag-iingat si dela Rosa kaya hindi nakikipag-ugnayan kahit kanino.

Malamang din anya, minomonitor ni dela Rosa ang linya ng komunikasyon niya.

Matatandaang simula noong Nobyembre 11, hindi na pumasok sa Senado si dela Rosa matapos ianunsyo ni Ombudsman Boying Remulla na mayroon na siyang warrant of arrest.

About The Author