![]()
Nagbabala si dating Senate President Franklin Drilon na mas titindi ang galit ng taumbayan kung i-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang naglalayong lumikha ng Independent People’s Commission (IPC).
Ginawa ni Drilon ang babala kasunod ng pananamlay ng Malakanyang sa panukalang pinagsisikapang ipasa ng Senado at Kamara.
Ipinaalala ng dating senador na galit na ang publiko sa malawakang katiwalian at mas titindi ang kanilang galit kapag ibinasura ang panukalang IPC na mag-iimbestiga sa mga kaso ng anomalya sa mga proyekto ng gobyerno.
Anya, kung ibabasura ang panukala, posibleng isipin ng publiko na hindi seryoso ang gobyerno sa pagpapaimbestiga sa katiwalian.
Wala anyang unconstitutional sa nilikhang Independent Commission for Infrastructure at isinusulong na IPC dahil fact-finding lang ang mandato nito at wala itong prosecutorial power.
Sa gitna ng pananamlay ng Malakanyang sa panukala, dapat pa ring isulong ng Senado at Kamara ang approval nito at hayaang magdesisyon ang Pangulo kung ito ay i-veto.
