dzme1530.ph

Ipapalit ng ICI kay Singson, dapat may kaparehong kakayahan at integridad —Sen. Tulfo

Loading

Umapela si Sen. Erwin Tulfo sa pamahalaan na magtalaga agad ng kapalit ni dating DPWH Secretary Rogelio Singson, na nagbitiw sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Iginiit ni Tulfo na ang bagong itatalagang komisyuner ay dapat may kaparehong integridad at higit na kakayahan sa pag-iimbestiga kumpara sa pinalitan nito. Kailangan aniya na ang ipapalit ay patas at walang pinapaboran.

Naniniwala rin si Tulfo na hindi pa patay ang ICI at kinakailangang punan ang mga nawalang imbestigador sa komisyon.

Dagdag pa ng senador, dapat ding ayusin ang panuntunan sa livestreaming ng mga sesyon ng ICI. Aniya, kung magkakaroon ng executive session, dapat ito ay panandalian lamang at agad na bumalik sa public hearing upang mas maging transparent ang mga sesyon at mabura ang agam-agam ng publiko.

About The Author