![]()
Tiniyak ni Sen. Joel Villanueva na naisama sa binagong bersyon ng General Appropriations Bill (GAB) para sa 2026 ang lahat ng kanyang panukalang dagdag pondo para sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), kabilang ang pondo para sa karagdagang assessors at pagpapalakas ng Technical-Vocational Education and Training (TVET) sector.
Binigyang-diin ni Villanueva na matagal nang kinakaharap ng TESDA ang kakulangan sa assessors na sumasala sa kasanayan ng mga trainees, hindi lamang sa mga estudyante ng K–12 kundi pati sa kabuuang TVET sector.
Iginiit ng senador na napakahalaga ng mga assessor sa pagpapatibay ng kalidad ng pagsasanay sa TESDA, lalo’t tinatayang nasa 16,000 lamang ang bilang ng mga ito na dapat maglingkod sa mga Pilipino sa bansa at maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
Layun ng dagdag pondo na palakasin ang kapasidad ng TESDA upang mas matugunan ang pangangailangan para sa de-kalidad na technical-vocational training at certification.
Inaasahang makatutulong ang karagdagang pondo sa pagpapalawak ng training programs, pagpapahusay ng assessment services, at paglikha ng mas maraming posisyon para sa assessors.
