![]()
Agad na bumuo ng Special Investigation Task Group ang Police Regional Office 3 kaugnay ng pagnanakaw umano ng 5 pulis sa isang kontraktor sa Porac, Pampanga.
Sa isang panayam, inihayag ni PRO 3 Regional Director, Brig. Gen. Rogelio Peñones, ni-relieve na ang 5 pulis na sangkot sa naturang insidente at nasa restrictive custody.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Porac Police, nilooban ng 4 na lalaking naka suot ng bonet ang bahay ng isang pribadong kontraktor kung saan dinala ito pati na ang kasama niyang bisita sa loob ng palikuran at dito isinagawa ng mga suspek ang pagnanakaw ng pera na nagkakahalaga ng nasa ₱14 milyon.
Lumalabas din sa imbestigasyon ang posibleng pagkakasangkot ng mga pulis sa nasabing pagnanakaw kung saan nakatanggap sila ng sulat mula sa mga pulis sa Angeles City at iniulat na mula sa Angeles Police Station ang 4 na kabaro at 1 ang taga Zambales Station.
May mga ranggo ang mga pulis na Colonel, Major at Staff Sgt.
Napag-alam din na 3 dito ay may dati nang record ng shooting incident at robbery extortion.
Ngayong araw naman ifa-file ang mga kasong kriminal at administratibo sa mga pulis.
