![]()
Tinaya ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian sa 98% ang kanyang pagkakumpiyansa na malinis mula sa katiwalian o maling paggamit ang inaprubahan nila sa 2nd reading na panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Sinabi ni Gatchalian na natiyak nilang detalyado sa panukalang budget ang lahat ng proyektong popondohan, partikular na sa ilalim ng Department of Public Works and Highways, at natanggal na nila ang mga napuna nilang may red flags.
Sa pagtutulungan aniya nila ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, natiyak nilang may detalye ang bawat proyekto sa DPWH at iba pang ahensya, tulad ng station number, feasibility studies, at hindi rin doble ang alokasyon.
Sa Martes ay inaasahang aaprubahan na sa 3rd and final reading ng Senado ang panukalang budget.
Itinakda naman ang bicam conference committee meeting sa December 11 hanggang 13, habang ang ratipikasyon ng bicam report ay posibleng sa December 17 at lalagdaan ng Pangulo sa December 29.
