dzme1530.ph

Mga naaresto sa pagbebenta ng illegal paputok online, umabot na sa 10; mga panibagong paputok gaya ng “Zaldy Co” at “Discaya”, binabantayan

Loading

Patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga naaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group na illegal na nagbebenta ng mga paputok online.

Sa pulong-balitaan, inihayag ni ACG Director BGen. Wilson Asueta na pinaigting pa ng kanilang unit ang pagbabantay sa cyber world ilang linggo bago ang kapaskuhan.

Aniya, nakagawa sila ng pitong operasyon na nagresulta sa pagkaka-aresto ng 10 katao mula sa Cavite, Laguna, at Metro Manila.

Ilan sa mga nakuhang paputok mula sa mga naaresto ay Kingkong, Kabase, Tuna, at iba pa.

Giit ni Asueta, delikado ang pagbebenta ng paputok online dahil hindi ito dumaan sa tamang proseso at maaaring magdulot ng injury at sunog.

Nahaharap ang 10 naaresto sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 7183 o Firecracker Law na konektado sa Cybercrime Prevention Act.

Bukod rito, may panibagong binabantayan ang ACG na mga bagong banned na paputok na ang pangalan ay “Discaya” at “Zaldy Co.”

About The Author