![]()
Inanunsyo ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado ang matagumpay na pagkakaharang sa isang Chinese fugitive sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Naantala ang biyahe ng suspek na si Hao Bin, 57, matapos magtangkang mag-transit sa Pilipinas mula Singapore patungong Estados Unidos noong December 1.
Ayon sa BI INTERPOL Unit, nag-flag ang Advance Passenger Information System (APIS) dahil may Interpol Red Notice si Hao na inilabas noong 2024.
Nahaharap ito sa kasong misappropriation of funds sa China, kung saan siya at ang kanyang kasamahan ay umano’y naglustay ng CNY 977.85 million, o humigit-kumulang ₱8.1 bilyon, mula 2019 hanggang 2022.
Matapos maharang, agad nakipag-ugnayan ang BI sa Chinese authorities na nagkumpirma sa pagbabalik ni Hao sa China upang harapin ang kanyang mga kaso.
