![]()
Nanawagan si Sen. Raffy Tulfo sa PrimeWater Infrastructure Corporation na pahintulutan ang maayos at mutual termination ng kanilang Joint Venture Agreements (JVAs) kasama ang mga Local Water Districts (LWDs) na nais tapusin ang kasunduan.
Ito ay matapos umani ng samu’t saring reklamo ang PrimeWater mula sa mga balita at social media na naglantad ng seryosong problema sa kalidad ng serbisyo.
Pinuri ni Tulfo ang mga lokal na pamahalaan at local water districts na agad tumugon upang protektahan ang kapakanan ng kanilang constituents.
Ipinaalala ng senador na ang tubig ay hindi lamang human right kundi isang pribilehiyo.
Binigyang-diin ni Tulfo na kung nais ng PrimeWater na maresolba ang problema, nararapat nitong pag-isipan ang pag-atras mula sa JVAs na hindi na sinusuportahan ng kanilang partner LWDs.
Ayon sa senador, nasa 77 JVAs ang pinasukan ng PrimeWater at iba’t ibang LWDs sa buong bansa, batay sa NEDA Joint Venture Guidelines.
Subalit, batay sa mga reklamo ng publiko, may mga alegasyon ng hindi pagtupad sa service obligations at mga tanong kung dumaan sa wastong pagsusuri at pagprotekta sa interes ng konsyumer ang mga proyekto.
