dzme1530.ph

Mga pondong nararapat para sa PhilHealth, iginiit na ibigay sa ahensya

Loading

Umapela si Sen. Pia Cayetano sa Kongreso na ibigay sa PhilHealth ang mga pondong itinatakda ng batas na dapat mai-remit sa kanila.

Tinukoy ni Cayetano ang mga pondong earmarked o dapat na ibinibigay sa PhilHealth mula sa sin taxes at mga koleksyon ng PCSO at PAGCOR.

Binigyang-diin ng senadora na umaabot sa P129.96 billion ang kabuuang deficit o kulang na perang nare-remit sa PhilHealth mula sa sin taxes na nakokolekta ng BIR mula 2023 hanggang 2026.

Para naman sa susunod na taon, P69.78 billion ang naka-earmark mula sa sin tax, pero P53.26 billion lamang ang inilaan sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP), na kapos ng P16.52 billion.

Ang mula naman sa koleksyon ng PCSO at PAGCOR mula 2019 hanggang 2025 ay dapat umanong aabot sa P106.95 billion, ngunit hindi pa rin natatanggap ng ahensya.

About The Author