![]()
Puspusan ang pagsisikap ng pamahalaan upang maabot ang taunang growth target na nasa pagitan ng 5.5% at 6.5%, ayon sa Malacañang.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na ginagawa ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat upang makamit ang target sa kabila ng pangambang maaaring hindi ito maabot ngayong taon.
Ayon kay Castro, nakakaapekto rin sa takbo ng ekonomiya ang sunod-sunod na mga rally, lalo na’t mas lumalakas ang panawagan kaugnay ng mga isyung may kinalaman sa katiwalian.
Una nang sinabi ni Department of Economy, Planning, and Development (DepDev) Sec. Arsenio Balisacan na “very unlikely” o maliit ang tsansang makamit ng Pilipinas ang downgraded growth target range na 5.5% hanggang 6.5%, bunsod ng mas mahinang performance ng ekonomiya nitong third quarter.
Bumagal sa 4% ang economic growth ng bansa sa third quarter, isa sa pinakamahina mula pa noong 2021, habang pinapahina ng mga usapin sa katiwalian ang consumer at investor confidence.
