![]()
Paboritong almusal ng maraming Pinoy ang danggit, hindi lamang dahil sa lasa nito kundi dahil sa taglay nitong nutrisyon.
Sagana ang danggit sa protein, essential nutrients, at omega-3 fatty acids na kilala bilang brain booster at tumutulong sa pagpapanatili ng malusog na puso.
Bagama’t karaniwang maalat, mayroon ding mild o unsalted versions. Masarap itong ipares sa sinangag at nakadaragdag ng sustansya sa pagkain.
Partikular naman ang unsalted danggit ay may mataas na vitamin B12, na mahalaga para sa maayos na produksiyon ng red blood cells at sa kalusugan ng nervous system.
