dzme1530.ph

Gobyerno, hinimok na bigyan ng katiyakang po-protektahan ang mga karapatan ni Sen. dela Rosa

Loading

Hindi umano masisisi si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung siya man ay nagtatago sa ngayon.

Ito ang binigyang-diin ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, kasabay ng panawagan sa gobyerno na magbigay ng malinaw na katiyakan na mapo-protektahan ang mga karapatan ng senador.

Nangyari ito sa gitna ng pangamba na maaari nang maisyuhan ng warrant of arrest si dela Rosa ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Cayetano, sinumang may banta sa buhay o kalayaan ay may karapatang magsagawa ng anumang hakbang o opsyon para sa kanilang seguridad.

Idinagdag ni Cayetano na mahalagang umiiral ang sistema ng hustisya sa bansa, at ang mga korte ang dapat may hurisdiksyon sa sinumang nahaharap sa kaso.

About The Author