dzme1530.ph

2026 national budget, tiniyak na hindi magiging reenacted

Loading

Tiniyak ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na hindi mangyayari ang reenacted budget sa susunod na taon.

Sinabi ni Lacson na susubukan nilang tapusin ngayong araw ang lahat ng amendments at ang approval sa second reading ng panukalang budget, kahit abutin pa sila ng hatinggabi.

Ito ay upang sa araw ng Biyernes ay maisulong na nila ang third reading ng panukalang budget at mabuo ang clean copy ng Senate version sa weekend, para masimulan ang bicameral conference committee meeting sa susunod na linggo.

Sa ganitong paraan, magkakaroon pa sila ng sapat na panahon upang talakayin sa bicam ang mga provisions na hindi pagkakasunduan bago ipasa sa Malakanyang para sa lagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Maging si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ay tiniyak na hindi magkakaroon ng reenacted budget.

Ayon pa rito, hindi totoong masikip ang kanilang panahon at kayang-kaya nilang maipasa ang panukalang budget.

About The Author