![]()
Nanawagan si Sen. Bong Go sa kanilang mga tagasuporta na maging kalmado sa kabila ng naging desisyon ng International Criminal Court (ICC) na tanggihan ang apela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa pansamantalang paglaya.
Kinilala ni Go ang bigat ng desisyon at hinikayat ang publiko na manatiling kalmado, nagkakaisa, at may paggalang sa umiiral na proseso ng batas.
Ayon sa senador, nauunawaan niya ang emosyon at pangamba ng marami, ngunit mahalaga pa ring panatilihin ang tiwala sa mga institusyon at legal na mekanismo.
Binanggit pa nito na sa ganitong pagkakataon sinusubok ang tibay ng karakter ng bansa, kaya’t higit kailanman ay kailangan ang pagkakaisa at hindi ang pagkakawatak-watak.
Binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng pagtitiwala sa katotohanan, due process, at pananampalataya, hindi lamang sa batas at mga institusyon, kundi maging sa Diyos.
