dzme1530.ph

AFP magkakaroon ng simpleng Christmas celebration            

Loading

Inanunsyo ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na magkakaroon ng simpleng pagdiriwang ng Pasko ang Armed Forces of the Philippines dahil sa sunod-sunod na kalamidad at sa kontrobersiya kaugnay ng umano’y maanomalyaang flood control projects.

Sa send-off ceremony para sa AFP delegates sa 33rd Southeast Asia Games, sinabi ni Brawner na magkakaroon lamang ng maikling programa, pagkilala sa mga karapat-dapat na personnel, at tradisyunal na boodle fight para sa pagdiriwang ng 90th anniversary ng AFP at Pasko.

Paalala ni Brawner, patuloy na nagdurusa ang maraming Pilipino dahil sa mga kalamidad, kabilang ang 7.4-magnitude na lindol sa Davao Oriental noong Oktubre at ang pagtama ng mga bagyong Uwan at Tino noong Nobyembre, kaya’t hindi naaangkop ang magarbo o magastos na selebrasyon.

Dagdag pa niya, ang korapsyon sa flood control scandal ay isa pang dahilan kung bakit dapat magtipid ang AFP at iwasan ang malaking Christmas party. Aniya, ang mga tanggapan at yunit na lamang ang magkakaroon ng sariling simpleng Christmas party, sa halip ng isang malaking pagdiriwang para sa buong command.

About The Author