dzme1530.ph

PNP-CIDG naghain ng karagdagang dokumento sa ICI para sa imbestigasyon sa anomalous flood control projects

Loading

Naghain ang PNP–Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng panibagong batch ng mga dokumento sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) para sa patuloy na imbestigasyon sa umano’y anomalous flood control projects ng DPWH.

Ang mga ito ay karagdagang ebidensya matapos isumite ng pulisya noong nakaraang buwan ang 95 boxes ng dokumento na tumutukoy sa 28 umano’y ghost flood control projects.

Ayon kay ICI spokesperson Atty. Brian Hosaka, gagamitin ang mga bagong dokumento para sa case build-up. Kasalukuyang saklaw ng ICI investigation ang kabuuang 421 pinaghihinalaang ghost projects.

Tututukan rin ng ICI ang top 15 contractors na na-flag o binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang huling SONA.

About The Author