dzme1530.ph

Publiko, kakalma kapag may big fish nang nakulong sa katiwalian sa flood control projects

Loading

Dapat may managot nang ‘big fish’ o malalaking personalidad sa mga nabunyag na katiwalian sa flood control projects.

Ito ang binigyang-diin ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian sa paggiit na mapapahupa lamang ang mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa sandaling may makita nang napapanagot na malalaking personalidad.

Sinabi ni Gatchalian na ang mga big fish na ito ay ang mga naglalagay ng pondo at kumakausap sa mga contractor.

Sa ngayon, aniya, pawang ordinaryong empleyado lamang ng DPWH ang nakasuhan kaya’t marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi kuntento.

Inihayag naman ni Gatchalian na sa mga nagsalita noong Linggo sa Trillion Peso March, tumatak sa kanya ang pahayag ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Ipinaliwanag ng senador na hindi naman pulitiko ang beauty queen at maihahanay siya sa mga ordinaryong taxpayers na pagod na pagod na sa katiwalian.

About The Author