![]()
May pamasko si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa lahat ng kawani ng Kamara de Representantes.
Personal na inanunsyo ni Speaker Dy ang aniya’y “gantimpala” sa mga kawani sa ginanap na flag raising ceremony kung saan siya ang guest speaker.
Hindi binanggit ni Dy kung magkano at ano ang umano’y aginaldo na inihanda sa mahigit 3,000 kawani ng Kamara.
Sa talumpati, pinasalamatan nito ang tulong na ginagawa ng mga kawani sa pang-araw-araw na trabaho ng mga kongresista.
Inamin nito na hindi simple ang hamon na kanyang nadatnan bilang Speaker of the House.
Malinaw umano ang hamon sa lahat, ang “magkaisa, magtulungan, at isantabi ang pansariling interes para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.”
Tiwala si Dy na sa pagtutulungan, makakamtan ang tagumpay at kaunlaran para sa bayan.
