dzme1530.ph

PH at Japan, nagsagawa ng joint maritime activity sa WPS

Loading

Nagsagawa ng ikatlong Bilateral Maritime Cooperative Activity (BMCA) ang Pilipinas at Japan sa West Philippine Sea bilang bahagi ng mas pinalalim na defense cooperation ng dalawang bansa.

Kabilang sa mga lumahok ang BRP Antonio Luna ng Philippine Navy at ang JS Harusame ng Japan Maritime Self-Defense Force, kasama ang PN AW159 helicopter para sa mga joint training drills.

Nagsagawa ang dalawang puwersa ng interoperability exercises gaya ng division tactics at Officer of the Watch maneuver upang palakasin ang coordinated movements at station-keeping sa dagat.

Isinagawa rin ang cross-deck landing drills, kung saan paulit-ulit na nag-land ang PN AW159 sa flight deck ng parehong barko upang mas mapabuti ang communication at pag-unawa sa procedures ng bawat panig.

Itinuring ng Pilipinas at Japan na matagumpay ang pagtatapos ng ikatlong BMCA, na lalong nagpatibay sa kanilang paghahanda at kooperasyon sa maritime security.

About The Author