dzme1530.ph

Imbestigasyon sa sunog sa Senado, patuloy; sesyon ngayong araw, suspendido

Loading

Nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa naganap na sunog sa Legislative Technical Affairs Bureau ng Senado kahapon ng umaga upang matukoy ang sanhi ng insidente.

Kaugnay nito, sinuspinde muna ni Senate President Tito Sotto III ang sesyon ngayong araw dahil nagpapatuloy pa ang assessment sa mga naapektuhang bahagi ng gusali, kabilang ang kisame ng session hall na naapektuhan matapos mag-leak ang tubig.

Ayon sa advisory ni Sotto, magreresume ang sesyon bukas ng ala-1 ng hapon upang bigyang-daan ang pagsusuri sa buong gusali at matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado. Dahil holiday sa Pasay bukas, tanging mga empleyadong may kinalaman sa sesyon ang papasok habang ang iba ay maaaring hindi muna magreport.

Sinabi rin ni Sotto na ligtas at hindi naapektuhan ang lahat ng mahahalagang dokumento ng Senado, kabilang ang mga hawak ng Blue Ribbon Committee.

About The Author