dzme1530.ph

Pagbuo ng Justice Reform Commission, iginiit

Loading

Iginiit ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang pangangailangan ng agarang pagpasa ng Senate Bill 1547 na magtatatag sa Justice Reform Commission, sa gitna ng tumitinding galit ng publiko dahil sa kabiguang maipakulong ang mga opisyal na sangkot sa malalaking kaso ng korapsyon.

Ayon kay Pangilinan, ramdam na ramdam na ang panawagan ng taumbayan para sa tunay na pananagutan.

Sinabi ng senador na ang mga iskandalo ng katiwalian ay malinaw na halimbawa kung paanong ang nakaw na pondo at sistematikong pagkukulang ng pamahalaan ay nagdulot ng malawakang pagbaha, pagkasira ng kabahayan, at pagkalugi ng kabuhayan.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Justice and Human Rights, nagbabala si Pangilinan na patuloy ang paglaganap ng high-level corruption at halos walang mga naparurusahan.

Sa ilalim ng panukala, magsasagawa ang Commission ng malawakang pagsusuri sa limang haligi ng justice system: law enforcement, prosecution, judiciary, correctional system, at komunidad. Layon nitong alamin kung bakit bumabagal ang mga kaso laban sa mga opisyal ng gobyerno, bakit dumarami ang mga backlog, at bakit patuloy na pumapalya ang pananagutan.

Binubuo ng mga kinatawan mula sa Senado, Kamara, mga eksperto mula sa pribadong sektor at academe, magkakaroon ang Commission ng kapangyarihang humingi ng datos at dokumento mula sa DOJ, Ombudsman, PNP, at Korte Suprema.

About The Author