![]()
Patuloy na nakaaapekto ang tropical depression Verbena na huling namataan 330 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 45 km/h at bugso na hanggang 55 km/h, at kumikilos pakananluran sa bilis na 30 km/h.
Ayon sa PAGASA, makakaranas ng mga pag-ulan at pagbugso ng hangin ang Eastern Visayas, Central Visayas, Negros Island Region, Caraga, Masbate, Iloilo, at Guimaras dahil sa bagyo.
Ang trough ng bagyo ang magpapaulan sa MIMAROPA, nalalabing bahagi ng Visayas, at Mindanao, na may maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, at pagkidlat.
Samantala, ang shear line ang magdudulot ng maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan at pagkidlat sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Bulacan, Aurora, at nalalabing bahagi ng Bicol Region.
May maulap na kalangitan na may mga pag-ulan din sa Pangasinan, nalalabing bahagi ng Central Luzon, at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa northeast monsoon.
