![]()
Kasabay ng mga pag-unlad sa negosyo ang patuloy na pagpapalawak ng connectivity footprint ng Globe, na umaabot na sa 96.13% ng populasyon ng bansa. Bilang bahagi ng inklusibong inobasyon, nakipagtambal din ang Globe sa unconnected.org, isang UK-based social enterprise na nagsusulong na mapaliit ang global digital divide sa pamamagitan ng pagkonekta sa mga komunidad at paaralang kulang sa serbisyo.
Sa nasabing partnership, magkakaloob ang Globe at unconnected.org ng internet access sa malalayong eskuwelahan at Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs), na nagbibigay ng digital tools para sa pagkatuto at pag-unlad ng kabuhayan ng mga estudyante, guro, at residente.
“Globe’s infrastructure investments and enterprise solutions are vital to building the nation’s digital backbone,” ayon kay Carl Cruz, Globe President and CEO. “Habang yumayakap ang mga negosyo at institusyon sa digital transformation, narito ang Globe bilang kanilang katuwang, nagpapalakas ng inobasyon, cybersecurity readiness, at inclusive growth na nakaayon sa Digital Philippines vision.”
Sa pamamagitan ng estratehikong pakikipagtulungan at responsableng inobasyon, patuloy na pinalalakas ng Globe ang digital capabilities ng bansa, isinusulong ang matatag na ekonomiya, at binubuksan ang daan tungo sa isang AI- at data-driven future.
