dzme1530.ph

Pondo para sa mga biktima ng bagyo at lindol, dapat tiyaking hindi napupulitika

Loading

Sa gitna ng pagpapalabas ng bilyun-bilyong pisong Quick Response Fund para sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad, nanawagan si Senador Christopher Bong Go na tiyaking makikinabang ang mga tunay na nangangailangan.

Sa pagtalakay ng Senado sa panukalang budget ng Department of Budget and Management, iginiit ni Go na dapat tiyaking hindi idaraan sa palakasan at pamumulitika ang pagpapalabas ng pondo.

Paalala nito, pera ito ng taumbayan at dapat lamang na maibalik sa kanila sa oras ng pangangailangan.

Sinabi ni Go na dapat matiyak na mabilis na maibabalik sa normal ang pamumuhay ng mga nabiktima ng kalamidad.

About The Author