![]()
Kinumpirma ni Senate Committee on Accounts chairman Panfilo Lacson ang kanilang commitment na makakalipat na sa bagong gusali ang Senado sa Taguig City sa Setyembre 2027.
Sa deliberasyon sa panukalang budget ng Senado para sa susunod na taon, sinabi rin ni Lacson na mas mababa ang pondong kanilang gugugulin sa pagtatayo ng gusali kumpara sa naunang proposal.
Samantala, kinumpirma ni Senate Finance Committee chairman Sherwin Gatchalian na mas mababa ng P5.4 billion ang proposed budget ng Senado para sa 2026 kumpara sa pondo ngayong taon.
Sa panukalang 2026 national budget, P8.5 billion lamang ang budget ng Senado dahil wala silang inilaan para sa capital outlay.
Sa kabila nito, tiniyak ni Gatchalian na sapat ang pondo para sa bagong senate building dahil mayroon itong multiyear allocation.
