dzme1530.ph

Simbahang Katolika magsasagawa ng mobilization protest sa EDSA sa Nobyembre 23

Loading

Magsasagawa ng isang mobilization protest ang Simbahang Katolika sa Nobyembre 23 sa EDSA Shrine, kasabay ng pagdiriwang ng 100th anniversary ng Christ the King, ang huling Linggo ng liturgical calendar.

Ayon kay Fr. Robert Reyes, convener ng Clergy for Good Governance, inatasan ang mga pari na magdaos ng mga misa para sa Christ the King na isasama ang mga kasalukuyang isyung panlipunan at pulitika.

Mag-uumpisa ang pagtitipon sa isang maikling prusisyon sa ganap na alas-2 ng hapon, na susundan ng misa na pangungunahan ni Cardinal Pablo Virgilio David sa alas-4 ng hapon. Aabisuhan din ang iba’t ibang diocese na magsagawa ng katulad na mga aktibidad.

Hinikayat ni Cardinal David ang publiko na makibahagi sa anti-corruption movements, na parang “antibodies” na dapat kumilos upang palakasin ang bansa laban sa “kanser ng korapsyon.”

Bahagi ang Nobyembre 23 mobilization ng paghahanda para sa November 30 Trillion Peso March Movement sa People Power Monument.

About The Author