![]()
Handa si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na magbigay ng proteksyon kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kung magpapasya itong bumalik sa Pilipinas upang harapin ang mga kasong malversation at graft na isinampa laban sa kanya sa Sandiganbayan.
Binanggit ni Remulla na wala pa si Co sa bansa at tinawag na “psychological warfare” ang mga balitang lumalabas tungkol sa kanyang pagbabalik. Ani Remulla, handa silang tiyakin ang kaligtasan ni Co, kabilang ang paggamit ng body-worn cameras at secure na ruta kung babalik ito.
Sinimulan na rin ng Ombudsman ang motu proprio investigation laban sa mga indibidwal na pinangalanan ni Co sa kanyang social media videos, kabilang sina former Budget Secretary Amenah Pangandaman, former House Speaker Martin Romualdez, former PLLO Undersecretary Adrian Bersamin, at Pangulong Bongbong Marcos, kahit wala pang sworn affidavit.
Ipinahayag ni Remulla ang plano ng tanggapan na mag-livestream ng preliminary investigations upang tiyakin ang transparency.
