![]()
Nanawagan ang mga organizer ng November 30 Trillion People Mobilization/Kilusang Bayan Kontra Kurakot (KBKK) na makiisa ang publiko sa kanilang panawagan para sa pananagutan sa korapsyon.
Gaganapin ang “Baha sa Luneta 2.0” sa Luneta mula alas-9 ng umaga hanggang hapon.
Ayon kay Teddy Casiño ng Bagong Alyansang Makabayan, ang rally ay nakatuon sa pagpapanagot sa mga sangkot sa korapsyon.
Kasama sa mga lalahok ang Working People Against Corruption (WPAC-11), na nanawagan sa magkabilang panig ng Marcos at Duterte administration na mag-resign upang “bigyan ng puwang ang gobyernong para sa mamamayan.”
