![]()
Inilarawan ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson bilang un-Filipino o hindi kaugalian ng Pinoy ang mga paratang ng paggamit ng droga na ibinato ni Sen. Imee Marcos laban sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang religious gathering.
Sinabi ni Lacson na bagama’t maaaring magkaroon ng hindi pagkakasundo ang magkakapamilya, ang kadalasang paraan ng mga Pilipino ay resolbahin ito sa loob ng tahanan at hindi ibubunyag sa daan-daang libong tao sa isang pampublikong pagtitipon.
Aminado ang senador na nawalan siya ng bilib kay Sen. Imee dahil maaari niya itong gawin sa ibang forum.
Tinutukoy ni Lacson ang akusasyon ni Sen. Marcos sa rally ng Iglesia ni Cristo kung saan sinabi nitong ang Pangulo at ilang miyembro ng kanyang pamilya ay sangkot sa droga.
Nang tanungin kung ano ang maaaring motibo sa ginawa ni Sen. Marcos, sinabi ni Lacson na wala nang ibang motibo kundi pulitika.
Kasabay nito, kinumpirma ni Lacson na mayroon siyang isisiwalat mamayang hapon kaugnay sa alegasyon ni dating Cong. Zaldy Co.
Gagawin aniya ito sa interpelasyon mamayang hapon sa panukalang budget.
