dzme1530.ph

ICI, inirekomenda ang pagsasampa ng kaso kaugnay ng P74M na ghost project sa Hagonoy

Loading

Hiniling ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Office of the Ombudsman na magsampa ng kaso laban sa mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang mga personalidad kaugnay ng isa pang ghost flood control project sa Bulacan.

Sa labinsiyam na pahinang interim report, tinukoy ng ICI ang “illegalities and irregularities” sa implementasyon ng 74.1 million pesos na riverbank protection structure sa Brgy. Carillo, Hagonoy, Bulacan, ng contractor na Darcy & Anna Builders and Trading.

Inirekomendang sampahan ng administrative complaint sina dating DPWH Sec. Manuel Bonoan at dating undersecretaries Roberto Bernardo at Maria Catalina Cabral.

Samantala, pinakakasuhan naman ng graft, malversation, at falsification ang mga dating Bulacan 1st District engineering officials na sina Henry Alcantara, Brice Ericson Hernandez, Ernesto Galang, Jolo Mari Tayao, John Michael Ramos, Lemuel Ephraim Roque, at Darcy Kimel Respecio ng Darcy & Anna Builders.

About The Author