![]()
Natuklasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang malawakang pagpuputol ng mga puno, pati na ang patong-patong na environmental violations, sa Monterrazas de Cebu hillside development.
Kasunod ito ng inilunsad na full investigation, sa gitna ng mga ulat na pagbaha at paggalaw ng lupa sa lugar, dulot ng Bagyong Tino.
Sinabi ni Assistant Regional Director for Technical Services Eddie Llanedo, nadiskubre ng investigation team na mahigit 700 puno ang pinutol sa loob ng 140-hectare property, na mabigat na paglabag sa forestry and environmental laws.
Bukod aniya rito, nilabag din ng Monterrazas Development ang Clean Water Act at Philippine Environmental Impact Statement System, batay sa isinagawang joint inspection.
Idinagdag ng DENR na bigo rin ang developer na tumalima sa 10 mula sa 33 kondisyon na itinakda sa ilalim ng kanilang Environmental Compliance Certificate.
