dzme1530.ph

Dating Cong. Zaldy Co, ‘di makadadalo sa pagdinig ng Senado sa flood control anomalies kahit via Zoom

Loading

Itinanggi ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Panfilo “Ping” Lacson ang impormasyon ni Sen. Imee Marcos na si dating Cong. Zaldy Co ang very important witness na haharap sa pagdinig kaugnay sa flood control anomalies bukas.

Sinabi ni Lacson na hindi magkakaroon ng pagkakataon si Co na lumahok sa hearing via Zoom dahil hindi itinuloy ng komite ang planong payagan ang pagharap nito sa pamamagitan ng online.

Binigyang-diin ni Lacson na maaari kasing mabigyan lamang si Co ng plataporma para magsalita ng propaganda o maglabas ng mga pahayag na walang basehan, nang walang pananagutan o panganib na maharap sa contempt citation.

Kinumpirma rin ni Lacson na ipinaalam na ng kampo ni Co sa Blue Ribbon Committee na ang dating mambabatas ay kasalukuyang ginagamot sa Estados Unidos, kaya hindi makadadalo sa pagdinig.

Pinabulaanan din ni Lacson ang mga pahiwatig at tinawag niyang “prediksyon” ni Marcos kaugnay sa pagdinig bukas.

Muling binigyang-diin ng senador na isasagawa nito ang pagdinig nang may “blindfold mentality” at susunod lamang sa mga ebidensiyang ilalatag sa harap ng kumite.

About The Author